Bagong laya, utas sa boga
MANILA, Philippines - Isang ex-convict na kalalaya pa lamang buhat sa New Bilibid Prison (NBP) ang nasawi matapos itong barilin nang malapitan ng hindi pa nakikilalang suspect kamaÂkalawa ng gabi sa Malabon City.
Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center ang biktimang si Angelo Figueroa, alyas Wafu, 34, residente ng Block 17, Phase 2 Area 2 Dagat-Dagatan, Brgy. Longos ng naturang lungsod sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa batok buhat sa kalibre .45 baril.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Malabon City Police, naganap ang insidente dakong alas-9:00 ng gabi sa loob ng isang computer shop sa Dagat-Dagatan, Brgy. Longos ng lungsod na ito.
Nabatid na abala ang biktima sa paglalaro ng computer nang lapitan ito ng suspect na nakasuot ng helmet sabay sabing “Wafu pasensiya sinaktan mo anak ko,†kasunod ang pagpapaputok dito ng baril.
Matapos ang pamamaril ay mabilis namang tumakas ang suspect lulan ng isang motorsiklo.
Ayon sa kapatid na babae ng biktima na si Mary FigueÂroa, sangkot umano sa mga nakawan, illegal na droga at kasong frustrated murder ang kanyang kapatid at kalalaya lamang nito mula sa Bureau of Correction, Muntinlupa City. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente.
- Latest