Proclamation rally ng Team PNoy sa Plaza Miranda, kasado na

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni  Manila Police District director Chief Supt. Alejandro Gutierrez na plantsado na ang seguridad sa isasagawang proclamation rally ng Team PNoy sa Plaza Miranda dakong alas-4:00 ng hapon ngayong araw.

Bukod sa kapulisan na itatalaga para magbantay ng seguridad, handang-handa na rin ang Manila Traffic Unit  sa pa­ngunguna ni Supt. Reynaldo Nava at Manila Traffic and Parking Bureau na pinamumunuan ni Nancy Villanueva.

Tiniyak din ni Nava na walang isasarang kalye bagamat may kaunting re-routing tulad ng  mga pampublikong sasakyan na magmumula sa España ay padadaanin sa Morayta palabas ng CM Recto  sa halip na Quezon Boulevard.

Inaasahang sasamahan ni Manila Mayor Alfredo S. Lim si Pangulong  Benigno S. Aquino III sa nasabing kick off rally, kung saan ipakikilala  rin ang 12 senatorial bets ng Liberal Party, ang vice mayoral candidate na ka-tandem ni Lim na si Lou Veloso, at ang mga tatakbo sa pagka-kongresista ng lungsod.

Show comments