MANILA, Philippines - Kulungan ang binagsakan ng isang 49-anyos na lalaki na miyembro ng isang “Bukas Kotse Gang†makaraang matiyempuhan ng mga nagpapatrulyang pulis, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City. Nakaditine ngayon ang suspect na nakilalang si Boyet Magalona, 49 ng Paradise, Letre, Malabon City habang nakatakas ang tatlo pa nitong kasamahan.
Sa ulat ng Caloocan Police, dakong ala-1:45 ng maÂdaÂling-araw nang humingi ng saklolo ang isang Noner MerÂcadjad, 51-anyos, at itinuro sa mga nagpapatrulÂyang pulis ang nagaganap na pagnanakaw sa isang nakaparadang Mitsubishi L-300 van sa may C3 Road.
Bago pa makalapit ang mga pulis ay nagkanya-kanyang takbuhan na ang mga magnanakaw. Nasukol naman ng mga otoridad si Magalona na walang nagawa kundi sumuko. Nakuha sa posesyon ng suspect ang car stereo, amplifier, bag na naglalaman ng mga damit na hinihinalang tinaÂngay nito buhat sa tinarget na sasakyan.