2 teenager sugatan sa vehicular accident

MANILA, Philippines - Dalawang kabataan ang iniulat na nasugatan maka­raang mahagip ng isang pampasaherong jeepney at taxi habang tumatawid sa bahagi ng Elliptical Road sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ayon sa inisyal na ulat ng Quezon City Traffic Sector 3, ang mga biktima ay nakila­ lang sina Jerick Rosquites, 13, at Jayro San Andres, 12; kapwa residente sa Bagong SIlangan sa lungsod.

Nasa kustodiya naman ng awtoridad ang driver na nakahagip sa mga biktima na sina Emilio Arino, Jr., 37 driver ng PUJ (PXD-506) at ang isang Rollie Manlapaz, 46, driver ng Taxi (TXA-823) na unang itinuturong nakahagip sa mga biktima.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Jenmar Gumanlag, nangyari ang insidente sa may Ellip­tical Road, corner East Ave­nue, ganap na alas-10 ng umaga.

Sinasabing tinatahak ng dalawang sasakyan ang ka­habaan ng Elliptical nang pagsapit sa East Ave. ay nasagi ng taxi ang biktimang si San Andres.

Kasunod naman nito ay nasagasaan naman ng PUJ ang kanang bahagi ng paa ni Rosquites dahilan para bumuwal ito at masugatan.

Bago nito, kagaga­ling lamang umano ng mga biktima sa ginawang fun run ng red cross kung saan sila kasali, at pagkatapos nito ay mamamasyal sana sa Parks and Wildlife center nang mahagip ng nasabing mga sasakyan habang tumatawid sa lugar.

Kapwa tinulungan ng Phi­lippine Red Cross ang mga biktima at dinala sa East Avenue Medical Center kung saan sila nilapatan ng lunas.

Show comments