^

Metro

Las Pinas fire: P2-M ari-arian tupok

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P2 milyong halaga ng paninda at  ari-arian ang naabo  matapos masunog ang isang palengke sa Las Piñas City kamakalawa ng gabi.

Wala namang napaulat na nasawi o nasugatan sa insidente.

Ayon sa report ng Las Piñas City  Bureau of Fire, dakong alas-10:48 ng gabi nang maganap ang insidente sa Flea Market ng Barangay CAA ng naturang lungsod.             

Napag-alaman sa report, nagsimula ang sunog sa bilihan ng mga plastic items hanggang sa kumalat ang apoy sa katabing mga stalls.

Nabatid na umabot sa ikatlong alarma ang sunog  at  naapula  dakong alas-11:48 ng gabi. Patuloy na iniimbestigahan ang naturang insidente.

vuukle comment

AYON

BUREAU OF FIRE

FLEA MARKET

LAS PI

NABATID

NAPAG

PATULOY

TINATAYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with