4 illegal rekruter, tiklo

MANILA, Philippines - Dinakip ng Manila City Hall Public As­sistance (CHAPA) ang mag-asawang nakapanloko ng mahigit na 300-katao na kinolektahan ng malaking halaga ngunit hindi naikuha ng trabaho sa ibang bansa sa isinagawang operasyon sa Parañaque City.

Kinilala ni Manila CHAPA chief P/Senior Inspector Rolando  Lorenzo. Jr.  ang mga suspect na sina James, 40;  at Normelita Liquigan, 42,kapwa nakatira sa nabanggit na lungsod; Annabelle Buenaflor, 37, secretary, ng Bagumbong Street, Bagong Silang, Caloocan City at ang accountant na si Fidel Esperante, 27.

Inaresto ang mga  suspek matapos magreklamo ang isa sa mga biktimang si Alfredo Villas Jr.,40, ng Herbosa Tondo, Maynila na pinangakuan ng trabaho sa Japan subalit hindi natuloy.

Nabatid kay Villas na  ginagamit ng mga suspect ang photoshop na Studio Poses and Image sa panulukan ng F. Leon Guinto Street at Pedro Gil sa  Malate, Maynila,  

Napag-alaman humi­hingi ang mga suspect ng P15,000 hanggang P90,000 para sa processing fee at P5,000 naman para sa medical­ fee.

Kabilang sa mga naging biktima ng mga suspek ay mula sa Luzon, Visayas at Mindanao na pinangakuan ng trabaho bilang waiter, waitress at factory worker sa Japan noong nakalipas na Hunyo 2012.

Nakatakdang sampahan ng kasong large scale illegal recruitment at 300 counts ng syndicated estafa ang mga suspect.

Show comments