Malaysian hinoldap ng tandem

MANILA, Philippines - Isa na namang dayuhan ang natangayan ng malaking halaga ng ari-arian makaraang holdapin ng riding-in-tandem kamakalawa ng gabi sa ma­dilim na bahagi ng Legazpi Village sa Makati City.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Harvinder Singh Gurnam Singh, Malaysian, kawani ng BPO Company sa Taguig City, at pansamantalang nanunuluyan sa Manila Peninsula Hotel sa panulukan ng Ayala Avenue at Makati Avenue, Makati City.

Naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi  sa bahagi ng Rada Street kung saan hinarang at hinoldap ang biktima habang naglalakad.

Hindi na nakapalag ang biktima matapos tu­tu­kan ng patalim ng isa sa holdaper habang ang isa naman ay nililimas ang kanyang mga aria-ariang Samsung Galaxy cellphone, camera, Lenovo notebook, Apple IPad, P43,000 cash at gold chain.

 

Show comments