Nanampal ng traffic constable pinaaresto ng korte

MANILA, Philippines - Ipinaaresto ng ma­babang hukuman si Ro­­bert Blair Carabuena na nanapak ng traffic constable no­ong Agosto 2012 ma­ tapos na hindi ito sumipot sa arraignment kahapon.

Sa inisyung warrant of arrest ni Judge Juris Dilinla-Callanta ng Quezon City Metro­politan Regional Trial Court Branch 42 ay ina­tasan ang mga ki­nauukulang ahensya ng pa­mahalaan na dakpin si Carabuena matapos na hilingin na ipagbaliban ang arraignment sa pagsasabing may sakit ito.

Ayon kay Dilinla-Cal­lanta, ang pagkakaroon ng karamdaman ay hindi sapat na basehan para ipagpa­liban ang arraignment sa ilalim ng Rules of the Court.

Dinoble rin ng korte ang piyansa nitong P12,000 na naunang inirekomenda para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Inatasan din ngkorte ang abogado ni Carabuena na si Atty. Caesar Ortega na magpakita ng dahilan kung bakit hindi dapat i-contempt ang kanyang kli­yente.

Si Atty. Ortega na hindi rin nakadalo sa hearing kahapon ay nagpadala ng repre­sentante na nagsu­mite ng kopya ng me­dical certificate ni Cara­buena.

Magugunita na si Ca­rabuena ay na­video­han ng TV-5 news crew na sinasaktan si Metro Manila Development Authority (MMDA) traf­­ fic constable 2 Sa­turnino Fabros.

Naging viral sa internet ang video hanggang sa perso­nal na sumuko si Carabuena sa MMDA at humingi ng paumanhin sa biktima. Subalit sa kabila nito, itinuloy pa rin ni Fabros ang kaso.

Show comments