Nanampal ng traffic constable pinaaresto ng korte
MANILA, Philippines - Ipinaaresto ng maÂbabang hukuman si RoÂÂbert Blair Carabuena na nanapak ng traffic constable noÂong Agosto 2012 ma tapos na hindi ito sumipot sa arraignment kahapon.
Sa inisyung warrant of arrest ni Judge Juris Dilinla-Callanta ng Quezon City MetroÂpolitan Regional Trial Court Branch 42 ay inaÂtasan ang mga kiÂnauukulang ahensya ng paÂmahalaan na dakpin si Carabuena matapos na hilingin na ipagbaliban ang arraignment sa pagsasabing may sakit ito.
Ayon kay Dilinla-CalÂlanta, ang pagkakaroon ng karamdaman ay hindi sapat na basehan para ipagpaÂliban ang arraignment sa ilalim ng Rules of the Court.
Dinoble rin ng korte ang piyansa nitong P12,000 na naunang inirekomenda para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Inatasan din ngkorte ang abogado ni Carabuena na si Atty. Caesar Ortega na magpakita ng dahilan kung bakit hindi dapat i-contempt ang kanyang kliÂyente.
Si Atty. Ortega na hindi rin nakadalo sa hearing kahapon ay nagpadala ng repreÂsentante na nagsuÂmite ng kopya ng meÂdical certificate ni CaraÂbuena.
Magugunita na si CaÂrabuena ay naÂvideoÂhan ng TV-5 news crew na sinasaktan si Metro Manila Development Authority (MMDA) trafÂÂ fic constable 2 SaÂturnino Fabros.
Naging viral sa internet ang video hanggang sa persoÂnal na sumuko si Carabuena sa MMDA at humingi ng paumanhin sa biktima. Subalit sa kabila nito, itinuloy pa rin ni Fabros ang kaso.
- Latest