Matandang dalaga pinilahan ng 3 adik

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang pinag­tripan ng tatlong drug addict ang isang matandang dalaga na natagpuang tulala habang umaagos ang dugo sa ari nito, sa Paco, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Itinago ang biktima sa pa­ngalang Lilia, 50, vendor, na pinaniniwalaang pinasakan pa ng matigas na bagay ang ari, matapos paghalinhinang gahasain ng tatlong hindi pa pinangalanang mga suspect.

Sa ulat ng Manila Police District-Children and Women­ Protection Unit, naganap umano  ang insidente dakong ala-1:00 ng madaling-araw sa madilim na bahagi ng Paco Market sa Pedro Gil, Paco, Maynila habang ang biktima ay nagtitinda nang lapitan ng tatlong suspect na sinasabing lulong sa droga. Kinaladkad patungo sa madilim na bahagi  ang biktima at doon umano halinhinang hinalay.

Sinamahan ng mga ta­uhan ng Department of Social Welfare and Development-Naional Capital Region sa MPD ang biktima at nakababatang kapatid na si Marie, para sa pag­hahain ng reklamo.

Hinihintay pa ang medical examination para sa ebidensiya ng pagsasampa ng kaso sa piskalya laban sa mga suspect.

Show comments