Bebot na ‘Dugo-dugo’, timbog
MANILA, Philippines - Isang babaeng miyembro ng ‘Dugo-Dugo gang’, ang nadakip ng mga tauhan ng Quezon City Police ilang oras makaraang tangkain nitong biktimahin ang isang negosyante sa pamaÂmagitan ng kanilang modus kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni QCPD director Chief Supt. Richard Albano, ang suspect na si Edna Santos, 42, dalaga at residente sa Karuhatan, Pasig City. Si Santos ay naaresto matapos na tangkain nitong biktimahin ang pamilya ni Ryan Joe Florano, 29, at residente ng SSS Housing, Brgy. North Fairview.
Ayon kay Florano, nagpanggap umano ang suspect na secretary ng abogado na humahawak sa kaso ng kanyang among nasangkot sa vehicular accident at nangangailangan ng malaking pera pambayad danyos.
Inutusan si Florano na buksan ang drawer at kunin ang lahat ng pera at gamit na naroon at ilagay sa isang brown envelope saka dalhin sa isang mall sa lungsod para maayos na nila ang kaso ng kanyang amo.
“Actually nang magsabi siya na kailangan ng pera, alam ko na po na modus ’yon kaya nagkunwari na ring akong houseboy sa bahay kahit hindi para mapaniwala ko siya (suspect),†sabi ni Florano. Nagsabi pa umano si Florano sa suspect na tanging P12,800 at 1,200 dollars lamang ang nakuha niya sa amo na pumayag naman ang suspect na dalhin agad sa sinabing lugar.
Sa puntong ito, nagpasya si Florano na tumawag sa pulisya kung saan inihanda ang entrapment.
Dinakma ang suspect nang abutin kay Florano ang envelope. Nagpapalag pa umano ang suspect at gumawa ng eskandalo sa loob ng mall sa pamamagitan ng pagsira sa damit nito na halos maghubad para lituhin ang mga tao.
Sa lakas ng suspect, tumulong na rin ang ilang security guard ng mall bago tuluyan itong madakip at dalhin sa himpilan ng pulisya.
- Latest