Lolo na hit and run
MANILA, Philippines - Isang lolo na pinabayaang tumawid mag-isa sa maÂpanganib na C-6 Road sa Taguig City ang nasawi makaraang mabundol ng isang rumaragasang motorsiklo, kamakalawa ng umaga. Hindi na umabot ng buhay sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang nakilalang si Paulino Pagaduan, 67, ng 1B A. Reyes St., Purok 3 New Lower Bicutan, dahil sa matinÂding pinsalang tinamo sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.
Sumuko naman sa pulisya ang driver ng motorsiklong may plakang 4208 QD na si Cyril Comendador, 21, ng Victory Hills Fortune, Marikina City pati na ang kanyang ka-angkas na si Eric Masangkay, 29, ng Gitnang Bayan, San Mateo, Rizal.
Sa ulat ng Taguig City Police, tumatawid na mag-isa sa naturang lugar ang biktima dakong alas-7:30 ng umaga nang mabundol ng motorsiklo ni Comendador.
Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang matanda habang sumemplang naman ang magkaangkas sa motorsiklo.
Kasong reckless imprudence resulting in homicide ang isinampa ng pulisya laban kay Comendador sa Taguig City Prosecutor’s Office.
- Latest