^

Metro

Trike driver dedo sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang tricycle driver, habang isa pa ang sugatan makaraang ratratin ang una ng armadong riding- in-tandem sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Isang tama ng bala sa leeg ang dahilan upang ideklarang dead on arrival sa Fairview General Hospital ang biktimang si Luisito Capili, 41, may-asawa ng Pakamara St., Don Fabian, Brgy. Commonwealth sa lungsod. Habang ang sugatan naman at ginagamot sa East Avenue­ Medical Center ang vendor na si Sonny Trono, 30, na tinamaan ng ligaw na bala.

Nabatid sa ulat ng pulisya, dalawang armadong lalaki lulan ng motorsiklo ang namaril sa nasawi sa may harap ng Sari-sari store na matatagpuan sa Pakamara St., corner Don Fabian, ganap na alas- 9 ng umaga. Naghihintay ng kanyang pasahero ang biktima nang dumating ang  motorsiklo sakay ang mga suspect. Sabi ng nakasaksi, isa sa mga sakay ng motorsiklo ang bumaba at naglakad patungo sa biktima, saka pinagbabaril ito. Matapos nito, agad na sumibat ang mga suspect.

Si Trono na kasalukuyan nagbabantay sa tindahan ay tinamaan naman ng ligaw na bala. Iniimbestigahan ng pulisya kung ang biktima ay may anumang hindi pagkakasundo sa ibang miyembro ng asosasyon ng mga driver kung saan ito kasapi.  Wala namang nalalaman ang asawa ng biktima na naging kaaway ito sa kanilang lugar na ugat para siya paslangin.

vuukle comment

BRGY

DON FABIAN

EAST AVENUE

FAIRVIEW GENERAL HOSPITAL

LUISITO CAPILI

MEDICAL CENTER

PAKAMARA ST.

SI TRONO

SONNY TRONO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with