MANILA, Philippines - Dapat na munang makulong at maparuhasan ang Koreano na nag-chop-chop ng kanyang kasintahan sa Laguna at nambugbog ng isa pa sa Maynila kamakailan.
Ito naman ang binigya ng diin ni Bureau of Immigration (BI) spokesperson Atty. Antonette Mangrobang bago ipatapon pabalik ng kanyang bansa si Kim Byunghuk.
Ayon kay Mangrobang sakop lang ng kanilang ahensya ang pagpapa-deport sa isang dayuhan kung nilabag nito ang Immigration Laws.
Sakaling walang nilabag na Immigration Law ang Koreano ay hindi ito kaagad maipapa-deport ng BI.
Paliwanag ni MangroÂbang, sadyang napakagaan sa isang dayuhan ang ipa-deport lang nang hindi pinaÂnanagutan ang krimen sa PiliÂpinas kaya dapat muna siyang litisin at maparusahan bago ipatapon sa pinanggaÂlingang bansa.
“Ang dapat po talaga ay litisin siya dun sa krimen na kanyang ginawa at ma-sentence at mapatawan ng kaukulang parusa,†ani MangrobangÂ.
Tiniyak naman niyang nag-uugnayan ang pulisya at BI upang malaman din kung may paglabag sa Immigration Law ang isang dayuhan.
Bagama’t hindi nila saklaw ang kaso ng naturang Koreano, sinabi naman ni Mangrobang na nakikipag-ugnayan na sila sa Korean Embassy para malaman ang history at rekord nito sa Korea.
Sakali naman aniyang guilty ito sa ilang kaso sa Korea ay hindi rin ito basta-basta pababalikin ng bansa hangga’t hindi napapanagutan ang ginawang krimen sa Pilipinas.