^

Metro

Cameraman sugatan sa tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malubhang nasugatan ang isang cameraman ng TV5 makaraang pagbabarilin ng  riding-in-tandem kahapon ng madaling- araw sa Marikina City.

Ginagamot ngayon sa Amang Rodriguez Medical Center ang biktimang nakilalang si Roberto Calanda, 52, residente ng MH Del Pilar St., Brgy. Calumpang, ng naturang lungsod.

Nakatakas naman ang dalawang salarin na magka-angkas sa isang motorsiklo matapos ang isinagawang pamamaril.

Dakong alas-3 ng madaling-araw nang maganap ang in­sidente habang mag-isang naglalakad sa may JP Rizal St. ang biktima galing sa trabaho nang tambangan ng mga salarin at pagbabarilin ito. Masuwerteng tinamaan lamang ang biktima sa hita at sa balikat.

Nakahingi naman ng saklolo ang biktima sa isang police mobile­ patrol na sandaling humabol sa mga salarin na nagawang makatakas. Blangko pa ang pulisya sa motibo sa naganap na pamamaril.

 

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

BLANGKO

BRGY

CALUMPANG

DAKONG

DEL PILAR ST.

MARIKINA CITY

RIZAL ST.

ROBERTO CALANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with