MANILA, Philippines - Dalawang barumbadong Korean national ang inaresto ng Pasay City Police dahil sa pamÂbabastos at pananakal sa isang traffic enforcer na puÂmara sa kanila dahil sa paglabag sa batas trapiko sa EDSA, Pasay City kahapon ng madaling-araw.
Nahaharap ngayon sa mga kasong driving without license, disobedience to traffic sign, driving under the influence of liquor at assault upon an agent of person in authority ang mga dayuhang sina Kim Jai Hoon, 28; at Cha In Gem, 39, kapwa turista at pansamantalang naÂnunuluyan sa Sector 10 Village, Esteban Luna St., Parañaque City.
Sa ulat ng Pasay City Police, dakong alas-3 ng madaÂling araw nang parahin ng traffic enforcer ng Pasay City Traffic Management Unit na si Noel Abundo, 44, ang isang Starex van (BDD-460) na minamaneho ni Kim makaraang mag-U-turn sa isang ipinagbaÂbawal na bahagi ng EDSA.
Sinabi ni Abundo na habang ipinapaliwanag niya ang bayoÂlasyon sa mga dayuhan, bumaba ng sasakyan ang kasamahan nitong si Cha at sinakal ang traffic enforcer sabay sinabihan ng katagang, “I know you are hungry chowkingâ€.
Nakahingi naman kaagad ng tulong sa kanyang mga kaÂsamahang traffic enforcer si Abundo at kaagad nilang dinakip ang dalawang turista at dinala sa himpilan ng pulisya.
Lumabas sa imbestigasÂyon na positibo sa alkohol o nakaÂinom ng alak ang dalawa nang isailalim sa medical examinaÂtion bukod sa wala pang lisensiya ang nagmamanehong si Kim.