^

Metro

2 Koreano tiklo sa pananakal ng traffic enforcer

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang barumbadong Korean national ang inaresto ng Pasay City Police dahil sa pam­babastos at pananakal sa isang traffic enforcer na pu­mara sa kanila dahil sa paglabag sa batas trapiko sa EDSA, Pasay City kahapon ng madaling-araw.

Nahaharap ngayon sa mga kasong driving without license, disobedience to traffic sign, driving under the influence of liquor at assault upon an agent of person in authority ang mga dayuhang sina Kim Jai Hoon, 28; at Cha In Gem, 39, kapwa turista at pansamantalang na­nunuluyan sa Sector 10 Village, Esteban Luna St., Parañaque City.

Sa ulat ng Pasay City Police, dakong alas-3 ng mada­ling araw nang parahin ng traffic enforcer ng Pasay City Traffic Management Unit na si Noel Abundo, 44, ang isang Starex van (BDD-460) na minamaneho ni Kim makaraang mag-U-turn sa isang ipinagba­bawal na bahagi ng EDSA.

Sinabi ni Abundo na habang ipinapaliwanag niya ang bayo­lasyon sa mga dayuhan, bumaba ng sasakyan ang kasamahan nitong si Cha at sinakal ang traffic enforcer sabay sinabihan ng katagang, “I know you are hungry chowking”.

Nakahingi naman kaagad ng tulong sa kanyang mga ka­samahang traffic enforcer si Abundo at kaagad nilang dinakip ang dalawang turista at dinala sa himpilan ng pulisya.

Lumabas sa imbestigas­yon na positibo sa alkohol o naka­inom ng alak ang dalawa nang isailalim sa medical examina­tion bukod sa wala pang lisensiya ang nagmamanehong si Kim.

ABUNDO

CHA IN GEM

ESTEBAN LUNA ST.

KIM JAI HOON

NOEL ABUNDO

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

PASAY CITY TRAFFIC MANAGEMENT UNIT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with