MANILA, Philippines - Patay ang isang 2nd year high school student ng Ateneo de Manila University (ADMU) nang mahulog mula sa ika-12 palapag ng isang condoÂminium unit sa Sta. Mesa, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Dead-on-arrival sa Lourdes Hospital ang biktimang si Joseph Emmanuel, 13- anyos, at residente ng Unit 1403, Ilumina Residence sa P. Sanchez St., Sta. Mesa.
Sa ulat ni SPO2 Ronald Gallo ng MPD-Homicide Section, dakong alas-5:14 ng hapon nang maganap ang insiÂdente sa terrace ng Unit 1207, Ilumina Residence sa 46 P. Sanchez Sta. Mesa.
Ayon sa salaysay ni Korine Vitug, 12, estudyante at residente sa nasabi ring condominium, nakita nila ang biktima na naglalakad sa ibabaw ng terrace.
Bukod kay Vitug, pinagbawalan din ng isang Mely Villafrancia, 60, housemaid sa Unit 105, ang biktima na huwag maglaro sa ibabaw ng terrace dahil baka ito mahulog subalit hindi umano nakinig ang biktima at nagpatuloy na naglakad nang pabalik-balik.
Hindi pa nagtatagal ay nakitang nakalambitin na sa iron grills ang biktima, kaya nagtangkang tulungan ni Vitug at kaibigang si Joseph Yap ang biktima upang huwag mahulog, subalit hindi nila makayanan ang bigat nito hanggang sa nangawit umano ang biktima kaya nakabitaw sa pagkakahawak hanggang sa bumulusok sa ground floor.
Agad namang isinugod ang biktima sa ospital subalit hindi na ito umabot ng buhay sanhi ng pagkakabali-bali ng katawan.
Patuloy pa rin ang isinaÂsagaÂwang imbestigasyon sa insidente.