MANILA, Philippines - Kalunus-lunos ang sinapit na kamatayan ng isang delivery boy matapos na mabagok ang ulo nang madaganan ng bloke ng yelo sa kanyang trabaho sa isang palengke sa lungsod QueÂzon kamakalawa.
Si Eldingfonso Gaduena, 46, ng Bulacan, ay agad na nasawi maÂtapos ang nasabing aksidente, ayon kay SPO1 Eric Lazo, may-hawak ng kaso.
Ayon kay Lazo, nangÂyari ang insidente sa may gilid ng Susano marÂket na matatagpuan sa Ramirez St., Brgy. Novaliches Proper sa lungsod ganap na alas-10:20 ng gabi.
Sinabi naman ni Jeston Abe na nagdidikarga sila ng bloke ng yelo ng biktima nang bigla siyang makarinig ng malakas na kalabog .
Dito niya nakita ang biktima na duguang nakahandusay sa lapag, habang katabi ang bloke ng yelo.
Tinangka pang isalba ni Abe ang biktima pero bigo pa rin ito kung kaya nagpasya na lamang siyang tumawag ng saklolo mula sa awtoridad.
Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime OpeÂrations (SOCO) ang bikÂtima ay nagtamo ng maÂtinding pinsala sa ulo na siyang agad na ikinamatay nito dulot ng nasabing aksidente.