MANILA, Philippines - Panibagong pasakit na naman sa mga motorista ang nakaambang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Nabatid na ilan sa malalaking kompanya ng langis ang nag-abiso, na posibleng magtaas na naman sila ng mga presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ng 70 sentimos hanggang 80 kada litro para sa premium at unleaded gasoline.
Habang puwedeng madagdagan ang presyo ng diesel ng 15 hanggang 25 kada litro.
Ang nasabing oil price increase ay dedepende pa rin sa magiging galaw ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigan pamilihan.
Wala namang abiso pa ang pamunuan ng Department Of Energy (DOE) sa nakaambang pagtaas ng mga proÂduktong petrolyo.