MANILA, Philippines - Isa ang nasawi habang tatlo ang naÂsugatan kabilang ang isang 3-buwang gulang na sanggol makaraang rumampa sa cenÂter island ang sinasakyan nilang kotse sa Katipunan flyover sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.
Nakilala ang nasawi na si Glen Awayan, 37, freelance photographer habang sugatan naman ang kanyang ka-live-in na si Florida Ferrer, at 3-buwang gulang nilang anak na si Kipthiara Jean, pawang residente sa Green Park Village, Pasig City.
Sugatan din ang nagmamaneho sa kotse na si Richmond Tandoc, 37, freelance photographer ng Valle Verde, Pasig City.
Batay sa impormasyon, nangyari ang aksiÂdente bandang alas-12:45 kahapon ng madaling-araw sa south-bound lane ng Footbridge, Katipunan flyover sa Brgy. Loyola Heights, Quezon City.
Lumitaw sa pagsisiyasat na sakay ng isang Toyota Corolla Sedan (UTM-659) ang mga biktima na minamaneho ni Tandoc at mabilis na tinaÂtahak ang nasabing lugar nang bigla na lamang umanong sumalpok ang kotse sa center island at dahil sa lakas ng impact ay tumama ang ulo ni Glen sa harapan ng kotse na naging dahilan ng kanyang kamatayan.
Nagkataong hindi umano naka-seatbelt ang biktima kaya humampas ang kanyang mukha sa harapan ng kotse.
Idineklara ng mga pulis na self accident ang nangyaring insidente at inaalam pa nila ang resulta ng eksaminasyon kung nakainom si Tandoc.