MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Leonardo Espina na mga miyembro ng ‘Ozamis robbery group’ ang responsable sa serye ng mga panloloob sa ilang remittance company sa Kalakhang Maynila.
Kasabay nito sinabi ni Espina na mareresolbahan na ang ginawang panghoÂholdap ng anim na arÂmadong kalalakihan sa Western Union Money Transfer sa A. Santos, panulukan ng Lopez St. ParaÂñaque City noong Enero 29 ng umaga makaraang madakip kamakalawa ang isa sa mga suspek na si Melvin Macalalas Labastida.
Ayon kay SPD Director Jose Erwin Villacorte, nabatid na si Labastida ay kasama ng grupo ng mga holdaper na nanloob sa isang sangay ng Western Union sa Parañaque City matapos itong positibong ituro ng dalawang saksi kabilang ang guwardya sa naturang money transfer company.
Si Labastida ay naaresto ng pinagsanib na puwersa ng NCRPO, SPD at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa kanyang tirahan sa Saint Joseph St. Bacoor Cavite noong Huwebes dakong alas-5:00 ng hapon.
Ayon kay Espina, simula aniya nang makatakas sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang tinaÂguriang leader ng Ozamis robbery-hold-up group na si Ricky Cadevero “alyas Kambal†ay naging talamak na ang holdapan sa ilang mga money remittance company sa Metro Manila.
“Si Cadevero ay naaresto ng mga tauhan ng Muntilupa City Police ngunit nakatakas o itinakas noong Disyembre 2012 na hanggang sa ngayon ay pinaghahanap pa ng mga awtoridad†ani ni Espina.
Hindi lamang ito ang pinagÂhahanap ngayon maging ang kasamahan niyang si Wilfredo Panangalinga “alyas Kulot†na nakatakas sa Ozamis City Jail noong Hulyo 2012.
Sinabi pa ni Espina na hindi lamang sa Western Union responsable ang Ozamis group maging sa isang saÂngay ng LBC Express sa Bacoor, Cavite noong Enero 15 ng taong kasalukuyan ay ang grupo rin ang siyang tumira.