1 pang miyembro ng ‘Alferez robbery group’, timbog
MANILA, Philippines - Nadakip ng pulisya ang isang miyembro ng ‘Alferez robbery group’ matapos salakayin ng mga pulis ang hideout ng mga ito sa Caloocan City kamakalawa.
Nakakulong ngayon sa Caloocan City Police detention cell ang suspek na si Carmelo Soler, alyas Dudot, 41, tubong-Oroquieta City, Misamis Occidental at naninirahan naman sa Brgy. Veraville Subdivision, Bacoor, Cavite.
Base sa nakalap na impormasyon kay Sr. Supt. Rimas Calixto, hepe ng Caloocan City Police, ang suspek ay naaresto dakong alas-4:35 ng hapon sa isa sa mga hideout ng grupo na matatagpuan sa 4519 San ViÂcente Ferrer, Brgy. 178, Camarin ng naÂsabing lungsod.
Ayon sa pulisya, una silang nakatanggap ng imporÂmasyon sa isang hindi nagpakilalang caller kung saan sinabi nito na nakita ang suspek na pumasok sa hideout ng ‘Alferez Group’. Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis at naabutan nga rito ang suspect.
Nakumpiska rito ang isang caliber .38, M-16 rifle, mga bala at isang hand grenade.
Matatandaan na noong Enero 30 ng taong kasalukuyang, pinasabugan ng granada at pinaulanan ng bala ng hindi nakilalang mga suspek na pinaniniwalaang grupo rin ng sindikato ang isa sa mga hideout ng ‘Alferez Group’ na nasa Block 7, Lot 12, Cattleya St., Deparo, Brgy. 168 na naging dahilan ng pagkamatay ng isa sa mga miyembro ng sindikato na si Eduardo dela Cruz Nobleza, alyas Eddie.
Nakatakas naman sina Diosdado Nobleza Alferez; Jimmy Parame at Jerry dela Cruz.
Kabilang sa mga kasong kinasasangkutan ng ‘Alferez Group’ ang panghoholdap sa Union Bank-Makati (2003), Allied Bank-Vito Cruz (2005), Jewelry Robbery Hold-Up-Davao (2008), BPI-Commonwealth (2011) at iba pa.
Hanggang sa kasalukuÂyan ay patuloy na hinahanÂting ng pulisya ang iba pang mga miyembro ng sindikato kabilang ang tatlong nakatakas, habang inaalam pa rin kung anong grupo ang sumalakay sa hideout ng mga ito.
- Latest