MANILA, Philippines - Nagsasagawa ngayon ng operasyon ang Pasay City Police laban sa mga pasaway na kabataang tinaguriang “batang gagamba†na nambibiktima ng mga motorista at mga turista upang mawalis ang mga ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Road.
Sinabi ni Pasay Police chief Sr. Supt. Rodolfo Llorca na nagpakalat na siya ng mga tauhan sa NAIA Road upang pagÂdadamputin hindi lang mga kabataan kundi maging mga pamilya na naninirahan sa bangketa at sa ilalim ng tulay.
Ayon kay Llorca, estilo ng mga batang gagamba na ipasok ang kanilang mga kamay sa nakaawang na mga bintana at hindi aalisin kahit na umandar na ang sasakyan hanggang hindi nabibigyan ng pera. Kapag hindi naabutan, guguhitan ang sasakyan kapag inabutan sa trapik o kaya naman ay babatuhin.
Ang operasyon ng Pasay Police ay makaraang ipag-utos ni Pasay Mayor Antonino Calixto matapos na makarating sa kanya ang perwisyong dulot ng mga batang gagamba. Ayon sa alkalde, sinisira ng mga ito ang programa niya sa mga dayuhang turista upang makilala ang Pasay bilang “Travel City of the Phils.â€
Una nang nagsagawa ng operasyon ang Pasay City Social Welfare and Development (CSWD) Office, Pasay City Police, Southern Police District, Metropolitan Manila Development Authority, at ang Airport Police nitong Enero 22 na nagresulta sa pagkakadampot sa 70 katao. Matapos ang operasyon, balik kalsada muli ang mga batang gagamba at tuloy sa pamemerwisyo.