^

Metro

Tanggapan ng National Anti-Poverty Commission nilusob ng mga magsasaka

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Sugatan ang isang police colonel makaraan ang naganap na riot sa pagitan ng mga militanteng magsasaka sa pangunguna ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) nang pasukin ng mga ito ang tanggapan ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) sa Quezon City.

Kinilala ang sugatan na si Colonel Pedro Sanchez ng QCPD na kasama sa grupo ng pulisya na rumesponde sa insidente.

Ayon sa ulat, rumesponde ang mga pulis nang puwer­sahang  pasukin ng mga pro­testers ang compound ng NAPC kamakalawa ng gabi.

Unang naka-enkuwentro ng grupo ng magsasaka ang mga naka-duty na guwardiya na humingi na rin ng responde sa pulisya.

Sinasabing nagawang gumamit na ng fire extinguisher ang mga awtoridad sa mga protesters kahapon ng umaga  nang magmatigas ang mga itong itigil ang pagsasagawa ng protesta sa lobby ng NAPC.

Sa kanilang sentimyento, binigyang-diin ng mga magsasaka na dapat nang buwagin ng pamahalaan ang anila’y “coco levy fund mafia,” ng Pre­sidential Task Force on the Coco Levy Funds na binuo ng Malakanyang.

Sinabi ni KMP deputy sec­retary general Willy Marbella na ang kanilang pagkilos ay ginawa matapos nilang malaman na si NAPC Secretary Joel Rocamora ay nag-advance ng P1.6 billion mula sa coco levy funds para sa kan­yang  anti-peasant poverty reduction roadmap para sa  coconut industry na anila’y hindi naman nakakatulong sa mga maliliit na magsasaka ng niyog sa bansa.

Binigyang diin ng naturang mga magsasaka na dapat nang gumawa ng hakbang ang pamahalaan na maisa­ayos at maibigay sa tamang paraan ang coconut levy fund upang ang tunay na mga benepisyaryo ng pondo ang makikinabang dito.

COCO LEVY FUNDS

COLONEL PEDRO SANCHEZ

KILUSANG MAGBUBUKID

NATIONAL ANTI-POVERTY COMMISSION

QUEZON CITY

SECRETARY JOEL ROCAMORA

TASK FORCE

WILLY MARBELLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with