Kidnaper timbog sa Caloocan

MANILA, Philippines - Arestado ng pulisya ang isang miyembro ng ‘kidnap for ransom syndicate’ sa Caloocan City kahapon.

Nakilala ang nadakip na si Mario Basangan, alyas Bogs, 36, taga-Bamban, Tarlac at naninirahan sa Barrio Libis Baesa, Caloocan City.

Dakong alas-10:30 ng umaga nang madakip ang suspek sa harap  ng G. De Jesus St., Bagong Barrio ng naturang  lungsod sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Branch 68, RTC ng Capas, Tarlac.

Base sa rekord, si Basangan ay sangkot sa pagkidnap sa isang 11-anyos na batang babae noong  2008 sa Tarlac­.

Pinakawalan lamang ang biktima matapos magbigay ng ransom money ang pamilya nito. Mula noon ay nagtago na ang suspect.

Nakatanggap ng im­pormasyon ang mga ka­gawad ng Caloocan City Police sa pinaglulunggaan ni Basangan na naging dahilan upang magkasa ng operation laban dito hanggang sa madakip ito.

Show comments