MANILA, Philippines - Plano ngayon ng San Juan police na isailalim sa polygraph test ang kaÂibigan ng pinaslang na negosyanteng Tsinoy sa Greenhills, San Juan City noong Lunes ng umaga.
Ayon kay Supt. Bernard Tambaon, hepe ng San Juan City Police, ipaÂpatawag nila si Bernard Yu, kaibigan ng biktimang si Kelvin Tan para isaÂilalim sa polygraph test upang mabatid kung may katotohanan ang mga naging pahayag nito na ang kanyang bodyguard na si Reggie Guadayo ang huling nakausap ng biktima bago ito tuluyang pinagbabaril sa loob ng kanyang sasakyan.
Sinabi umano ni Yu na inutusan niya ang kanyang bodyguard na ibigay kay Tan ang halagang P200,000 na umano’y hinihiram sa kanya ng biktima.
Hindi rin umano batid ni Yu na nag-withdraw pa ng P800,000 si Tan sa China Bank bago siya pagbabarilin.
Iginiit ni Supt. Tambaon na kung totoo ang mga sinasabi ni Yu ay lumiÂlitaw na may dalang P1-milyon pera ang negosyante bago pagbabarilin sa labas ng banko.
Una na ring lumutang ang anggulo na posibleng ‘business rivalry’ at personal na galit ang motibo ng ginawang pagbaril at pagpatay kay Tan.
Sa ngayon ay may hawak ng ‘computerized sketch’ ang Philippine National Police (PNP) sa gunman ni Tan base na rin sa kuha ng CCTV camera sa lugar.