Guro timbog sa shabu
MANILA, Philippines - Isang guro sa pampublikong paaralan ang nahuliÂhan ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nadaÂkip na si Arnulfo Remigio, alyas Kid, ng Block 10, Lot 3, Carnation Street, Capitol Park Homes II Subdivision, CalooÂcan City.
Si Remigio, guro sa Amparo High School sa Caloocan City, ay inaresto matapos ang buy-bust operation ng mga ope ratiba ng PDEA Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR).
Inaresto ang guro matapos umanong magbenta ng shabu sa ahente ng PDEA na nagpanggap na buyer sa bahagi ng University of the Philippines (UP) Campus sa Commonwealth Avenue Quezon City, ganap na alas-2 ng hapon.
Narekober sa suspek ang ilang drug paraphernalias at ang P500 marked money.
Ayon pa sa PDEA, si Remegio ay suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga sa ilang kilalang gimikan, lalo na sa sentro ng information technology sa Commonwealth AveÂnue.
Kasalukuyang nakapiit si Remigio PDEA custodial fa cility sa Quezon City, habang iniÂhahanda ang kaso laban dito.
- Latest