^

Metro

4-anyos bata patay DOH umalerto sa meningo

Doris Franche-Borja At Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umalerto ang Department of Health (DOH) laban sa sakit na meningococcemia matapos ang pagkasawi ng isang 4-anyos na batang lalaki kahapon sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina City.

Bagama’t hindi madaling makahawa sinabi ni Health Assistant Secretary Eric Tayag na kailangan pa rin umanong subaybayan ang sakit na  ma­aari namang makuha kung mayroong intimate o direct con­tact sa biktima tulad ng direktang pagbahing o pag-ubo ng isang may meningococcemia sa mukha ng isang tao.

Ayon kay Tayag walang da­pat na ikabahala ang publiko hinggil sa umano’y pagkalat ng sakit na meningococcemia dahil ang naturang sakit ay hindi  airborne disease.

“Unang-una po ang meningococcemia ay hindi po madaling makahawa. Kailangan nating ipaliwanag ito baka ma­maya e magkaroon ng panic,” dagdag pa ni Tayag.

Paliwanag pa ni Tayag, ang meningo ay du­lot ng bacteria na matatagpuan sa ilong, bibig at lalamunan at may mga sintomas na mataas na lagnat, pagkakaroon ng ra­shes na parang pasa, pa­nanakit ng ulo, stiff neck at seizure.

Ito aniya ay isang blood-borne disease na ang kalimitang nahahawahan ay mga bata at 10% ng mga ito ay ma­aaring mamatay kahit pa nasa ilalim ng pangangalaga ng pagamutan.

Ang nasawing bata ay tu­bong Rodriguez, Rizal at nalagutan ng hininga ganap na alas-9:46 ng gabi matapos ang anim na oras nang isugod ito sa ARMMC.

Sinabi ni Dra. Paraluman Mendoza-Manuel, senior pe­ diatrician ng ARMMC, apat na araw ng nilalagnat ang bata nang ito ay isugod sa kanilang pagamutan.

Agad umano nilang sinuri ang bata, isinailalim sa laboratory test at doon nakumpirma na positibo sa sakit na meningococcemia makaraang maglabasan ang mga sintomas, tulad ng pagsusuka, pasa at mga rashes sa ibat-ibang bahagi ng katawan ng pasyente.

Dahil sa pagkamatay ng bata kaya isinara ang emergency room ng ARMMC sa loob ng halos anim na oras at pansamantalang inilikas ang ibang pasyente sa lobby para hindi mahawa sa sakit.

Maging ang mga bantay at mga dumadalaw sa mga maysakit sa ARMMC ay nagpanic at mabilis na naglabasan ng hospital dahil sa takot na mahawa ng nasabing karamdaman. Agad naman nilinis ng mga hospital worker ang kuwarto at iba pang lugar na pinagdalhan ng namatay na pasyente.

Kaagad ding binigyan at pinainom ng antibiotic na pro­phylaxis ang mga nagkaroon ng direct contact sa bata kabilang ang mga doktor, nurse at kaanak ng pasyente.

AMANG RODRIGUEZ MEMORIAL MEDICAL CENTER

AYON

DEPARTMENT OF HEALTH

HEALTH ASSISTANT SECRETARY ERIC TAYAG

MARIKINA CITY

PARALUMAN MENDOZA-MANUEL

SHY

TAYAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with