Pillbox sumabog sa UP: 2 sugatan
MANILA, Philippines - Dalawa katao ang sugatan sa sumabog na pillbox na tinaÂmaan ng bareta habang naghuhukay ang mga una sa isang lugar sa loob ng University of the Philippines (UP) Diliman lungsod Quezon kahapon ng hapon.
Ayon kay Insp. Noel Sublay, hepe ng Special WeaÂpon and Tactics ng Quezon City Police District, naganap ang pagsabog sa may hardin malapit sa Benton Hall ng UP na matatagpuan sa Roxas kanto ng Fernandez St., sa nasabing lugar.
Nakilala ang mga sugatan na sina Reynaldo Natividad, 44, at Faustino Valencia, 38, kapwa empleyado ng Campus Maintenance Office (CMO) ng unibersidad.
Nangyari ang insidente ganap na alas-3 ng hapon habang naghuhukay umano ang mga biktima sa lugar para pagkaÂbitan ng street light.
Sabi ni Fernando Enriquez ng UP police, habang nagbabareta umano si Natividad ay bigla na lamang may sumabog sanhi para matinÂding tamaan sa katawan ito.
Nagsasagawa ng paghuÂhukay ang dalawa sa lugar para pagkabitan ng street light bunga ng umano’y madalas na nangyayaring holdapan dito.
Sa pagsisiyasat ni Sublay, positibo silang pillbox ang sumabog base sa mga sharpnell na nakuha mula dito, kung saan sa pyrotechÂnic display ang pulbura uma nong ginamit dito.
Narekober din sa lugar ang mga piraso ng turnilÂyo, nuts at mga maiitim na pulbura na tila buhangin na posibleng magkakasama sa loob ng pillbox.
- Latest