MANILA, Philippines - Patay ang isang 34-anyos na Filipino Chinese businessman makaraang barilin ng hindi pa nakikilalang salarin nakasuot ng barong Tagalog matapos na mag-withdraw ng halagang P800,000 ang una sa isang banko sa San Juan City kahapon ng umaga.
Ito ay sa kabila ng umiiral na gun ban.
Kinilala ni Senior Superintendent Bernard Tambaoan, chief ng San Juan police ang nasawing biktima na si Kelvin Tan, ng New Manila, Quezon City at sinasabing may-ari ng KT BuilÂders, may kinalaman sa construction scrap mateÂrials.
Base sa inisyal na ulat ng pulisya, nag-withdraw si Tan ng halagang P.8 million sa China Bank sa may Ortigas Avenue at agad naman nitong ibinigay sa bodyguard ng kanyang kaibigan na si Benedict Tan, na naghihintay lamang sa malapit na coffee shop.
Ilang minuto pa ay sumakay na ang biktima sa kanyang naka-park na ToÂyota Altis (POZ-789) at naÂupo sa may driver’s seat nang biglang sumulpot ang gunman.
Walang sabi-sabing pinaÂputukan ng baril ang biktiÂmang si Tan na namatay noon din.
Sa kabila umano na hindi naman nakuha ang winithdraw nitong pera, hindi pa rin inaalis ng pulisya ang angÂgulo ng robbery na moÂtibo sa naganap na krimen. Tinitignan din ang angguÂlong business rivalry sa pangÂyayari.
Matapos ang krimen, mabilis na tumakas ang suspect sakay ng motorsiklo na doon naghintay ang kasama.
Sa isinagawang imbestigasyon ng PNP-SOCO tatÂlong tama ng bala ang bumutas sa bintana ng sasakyan ng biktima. Limang basyo ng cal. 45 baril naman ang narekober sa crime scene.