Trader itinumba
MANILA, Philippines - Dalawang tama ng bala sa mukha ang ikinasawi ng isang 39-anyos na negosyante nang malapitang barilin ng hindi nakikilalang lalaki sa harap ng kanyang tindahan sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Franco Lucero Banoc, tubong-Baybay, Leyte at residente ng Agoncillo St., Malate.
Nakatakas naman ang gunÂman mula sa mga humaÂhabol na taumbayan at naiwan nito ang isang itim na bag na naglalaman ng ginamit na kaÂlibre .45 pistola, sando at mga iba’t ibang klaseng gamot. Inilarawan siya sa edad 30-35, may taas na 5’9’’ hanggang 5’10’’, maputi.
Sa ulat ni PO3 Crispin Ocampo, dakong alas-9:45 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa harapan ng bahay ng biktima. Sinamantala umano ng suspect ang pagiÂging abala sa pagtitinda ng biktima at biglang nilapitan at walang sabi-sabing pinaputukan sa mukha. Nang humandusay ay nagtatakbo na ang suspect subalit nakita siya ng mga tambay na humabol sa kanya.
Nagawa pang magpaputok ng suspect upang hindi malaÂpiÂtan ng mga humahabol suÂbalit hindi natinag ang mga humaÂhabol kaya inihagis na lamang umano ng salarin ang dalang bag at tuluyang nakatakas. Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para mabatid ang motibo sa nagaÂnap na krimen.
- Latest