MANILA, Philippines - Bumagsak na sa kamay ng mga elemento ng Quezon City police kahapon ng madaling-araw ang itinuturong hired killer na sinasabing bumaril at nakapatay kay Maconacon Mayor Erlinda Domingo.
Kasama ang puwersa ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), Special Weapons and Tactics (SWAT) at ibang division ng QCPD na pinamunuan ni QCPD chief Richard Albano ay sorpresang natimbog sa Salam Mosque compound dakong alas-12:30 ng madaling-araw ang suspek na si Marsibal Abduhadi, alyas Bagwis.
Ayon kay Albano, agad na napaligiran ng mga awtoridad si Bagwis at hindi na nito nagawang makabunot ng baril nang tangkain pumalag sa mga pulis.
Nabatid na sabog na saÂbog pa sa droga si Bagwis nang matunton ito ng mga pulis. Maging sa isinagawang interogasyon hindi nakakasagot ang suspect dahil sa sobrang bangag sa droga.
Nakumpiska kay Bagwis ang 2 granada, isang 9mm na baril, 2 sachet ng shabu, 2 sachet ng cocaine at drug paraÂphernalias.
Napag-alaman pa na si Bagwis ang siyang nag-recruit sa iba pang suspect sa isinagawang pagpaslang kay Mayor Domingo.
Base sa report ng QCPD, isang A1 information ang kanilang natanggap na hindi umalis sa naturang lugar si Bagwis kundi lumipat lamang ng bahay sa naturang lugar din matapos ang isinagawang krimen.
Sa pagkakaaresto kay Bagwis, naniniwala ang puÂÂlisya na matutukoy na nila kung sino ang utak sa isinaÂgawang pagpaslang at kung ano ang motibo nito.
Magugunitang naunang nadakip ang mga kasabwat ni Bagwis ilang oras matapos ang naganap na pag-ambus sa mayor.
Ang mga ito ay nakilalang sina Christian Pajenado; Michael Domingo at Mary Grace Abduhadi. Ang tatlo ay sinampahan na ng kaso kamakalawa at walang piyanÂsang inirekomenda para sa pansamantalang kalayaan ng mga ito.