MANILA, Philippines - Utas dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa ulo at katawan ang isang barangay kagawad makaraang barilin ng hindi pa kilalang lalaki, habang nakikipagkuwentuhan sa isang babae sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Binawian ng buhay habang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Lord Alfred Elmido, 36, barangay kagawad ng Brgy. 20, at resiÂdente rin ng lugar.
Sa ulat ni SPO1 Mario Asilo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-7:00 ng gabi kamakalawa nakatayo malapit sa isang tindahan sa Gate 17, Area-D, Parola Compound ang biktima at isang alyas Grace nang biglang lapitan ng suspect ang kagawad at walang sabi-sabing paputukan ito sa ulo.
Nakatakbo pa ang biktima kahit may tama sa ulo subalit hinabol pa siya ng lalaking salarin na nakasuot ng kulay brown na jacket at may taas na 4â€11’’, at pinagbabaril siya sa katawan. Inaalam pa ang motibo at pagkikilanlan sa salarin.