MANILA, Philippines - Nakansela ang klase sa isang public high school sa Pasig City matapos na makatanggap ng bomb threat kahapon.
Ayon kay P/Senior Supt. Mario Rariza, Jr., hepe ng Pasig City Police, dakong alas-8:30 ng umaga nang maÂkatanggap ng text ang isang estudyante ng Santolan National High School at isang residente na nagsasabing may sasabog na bomba sa ikaapat na palapag ng paaralan na matatagpuan sa Sto. Tomas St., Brgy. Santolan, Pasig City.
Nagmula umano ang mensaheng “May sasabog na bomba dyan. Mag-ingat kayo, itinanim ito sa 4th floor ng alas-4:30 ng madaling- araw,†sa cellphone number na 092135358220.
Kaagad namang inireport ng pamunuan ng paaralan sa pulisya ang insidente.
Hindi rin nag-aksaya ng panahon ang mga awtoridad at kaagad na inilikas ang mga estudyante upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito.
Nang suyurin naman ng mga miyembro ng Explosives and Ordnance Division (EOD) at Special Weapons and Tactics (SWAT) ang paaralan ay nag-negatibo naman at walang nakuhang bomba sa lugar.
Sa kabila naman nito ay nagdesisyon si Lorna RodriÂguez, officer-in-charge ng paÂaralan, na suspendihin na ang maghapong klase.