MANILA, Philippines - Naaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District-Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (QCPD-SOTG) ang isang laÂlaking Chinese national matapos na makuhanan ng tinatayang aabot sa P2 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation dito, iniulat kahapon.
Base sa impormasyong ibinigay ni Senior Insp. Roberto Razon, hepe ng QCPD-DAID, nakilala ang suspect na si Xiong Chen y Biao, alyas Yao, 49, Chinese national, at naninirahan sa #1883, J. Abad Santos, Tondo, Maynila.
Si Chen ay nakuhanan ng isa’t-kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P2 milyon.
Sabi ni Razon, isang linggong tinugaygayan ng tropa ng DAID ang nasabing suspect base na rin sa tip ng isang Chinese informant hinggil sa pagbebenta nito ng shabu sa lugar ng Maynila, partikular sa Binondo. Dahil dito, nakipagtransaksyon ang mga opeÂratiba sa suspect sa pamamagitan ng pagbili ng kalahating kilo ng droga, gamit ang isang poseur- buyer ng DAID.
Nagkasundo ang suspect at ang poseur-buyer na magpalitan ng items sa may Banawe St., corner Maria Clara St., partikular sa parking area ng isang fastfood, ganap na alas-2:15 ng hapon, kung saan naganap ang pag-aresto.
Sa kasalukuyan, ang suspect ay nasa kustodiya ng QCPD-DAID habang patuloy na iniimbestigahan upang malaman kung anong grupo ng sindikato ang kinaaaniban nito.