MANILA, Philippines - Onsehan sa droga ang isa sa mga anggulo na tiniÂtingnan ngayon ng pulisya makaraang pagbabaÂrilin hanggang sa mapatay ang dalawang lalaki kahapon ng madaling-araw sa Makati City.
Kapwa dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Melvin Torredes, 33, may asawa, nakatira sa #3298 Pateros St., Brgy. OlymÂpia at Nicko Presno, 29, residente ng Block 100, Lot 3, Jacinto St., Barangay Rizal, kapwa ng naturang lungsod.
Nagtamo ang mga ito ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang pulisya upang makilala ang mga suspect na mabilis na tumakas.
Sa imbestigasyon ng Station Investigation Division (SID), Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-2:52 ng madaling-araw sa kahabaan ng Aguinaldo St., Brgy. Rizal, Makati.
Ayon sa live-in partner ni Torredes na si Marife de Jesus, nag-text kay Torredes si Presno, na makikipagkita sa kanila ang isang nagÂngangalang Rhey Paul Ginez alyas “Revoâ€, isa umanong tulak ng droga.
Makalipas ang ilang oras ay nabalitaan na lamang ni De Jesus na binaril at piÂnatay ang kanyang live-in na si Torredes at ang kaibigan nitong si Presno.
Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang insiÂdente at inaalam ang tunay na motibo.