Van tumagilid: 4 sugatan

MANILA, Philippines - Apat-katao ang iniulat na nasugatan makaraang tumagilid ang sinasakyan nilang van sa EDSA south-bound malapit sa Balintawak, Quezon City, kahapon ng madaling-araw. Sa ulat ng Quezon City Traffic Sector 1, nakilala ang mga sugatan na sina Rico Asistanga, 25; Isarelo Biasang, 32; Marlon Villa, 26; at si Jayson Cueysen, 23. Lumilitaw na ang mga biktima ay pauwi na mula sa lamay ng kasamahan sa trabaho sa Valenzuela nang mag-cut ang isang taxi saka nagpreno. Dahil dito, nagpasya ang driver ng van na iwasan ang taxi pero nawalan ito ng kontrol at sumampa sa center island, saka tumagilid.

Show comments