MANILA, Philippines - Isang lalaki na tila wala na naman sa kanyang sarili ang bumaba sa bagon at naglakad sa riles ng LRT Line-2 sa Pureza Station, Sta. Mesa Maynila, kahapon ng umaga.
Kinilala ni Atty. HerÂnando Cabrera, tagapagsalita ng LRTA ang lalaki na si Expedito Trillo III, 19, residente ng Ciudad Grande Muzon, Taytay, Rizal.
Dahil dito’y pansamantala na namang natigil ang operasyon ng LRT at nagkaroon ng tensyon sa mga nakaÂkitang pasahero dahil sa paglalakad ni Trillo sa riles patungo sa direksiyon ng V. Mapa Station east bound line.
Dahil sa ginawa ni Trillo ay inilagay sa ‘code yellow’ ang LRT line 2 at mabilis na hinabol ng mga guwardiya ang una para hindi siya masagasaan.
Nang mahuli si Trillo ay agad na ibinigay sa kustodiya ng mga pulis na hanggang ngayon ay tila wala pa sa kanyang sarili na posibleng may matinÂding problema sa buhay.
Makalipas ang ilang minuto ay naibalik din sa normal ang operasyon ng LRT line 2 mula sa Recto Avenue sa Maynila patungo ng Santolan Station sa Pasig City, pero si Trillo ay tila hindi pa rin bumabalik sa sarili.