MANILA, Philippines - Upang maserbisyuhan ang higit na maraÂming mga negosyante at residente na hahabol sa pagbabayad ng buwis, bukas ang operasyon ng Pasay City Treasurer’s Office at Business Permits and Licensing Office ngayong darating na Sabado at Linggo.
Inatasan ni Pasay City Mayor Antonino Calixto sina City Treasurer Manuel Leycano at ang mga opisyal at tauhan ng BPLO na mag-overtime ngayong Sabado at Linggo dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga taxpayer’s.
Bukod dito, iniusog din ni Calixto ang palugit sa pagbabayad ng walang multa hanggang Lunes makaraang bumagsak ang orihinal na araw ng palugit sa araw ng Linggo.
Ayon sa alkalde, ang pagbibigay nila ng ekstensyon sa pagbabayad ng buwis ay bahagi ng kampanya para mahikayat ang mga negosyante na magbayad ng tamang buwis at makahikayat pa ng ibang mamumuhunan.
Sinabi nito na umaasa siya sa suporta ng mga negosyante sa pagbabayad ng tamang buwis na kapalit umano ay mas maayos na serbisyo. Tiniyak nito na lahat ng kanilang kikitain ay mapupunta sa mga proyekto sa imprastruktura, human resource, at mga pangunahing pangangailangan ng publiko.
Mag-uumpisang magbukas ang Pasay TreaÂsurer’s Office at BPLO mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon at maaaring paÂlawigin pa kung kinakaÂilangan.