MANILA, Philippines - Tiklo sa inilatag na checkpoint ng Pasay City Police bilang bahagi ng election gun ban ang dalaÂwang hinihinalang hired killer na magka-angÂkas sa isang moÂtorsiklo, kamaÂkalawa ng gabi sa naturang lungsod.
Kinilala ni P/Sr. Supt. Rodolfo Llorca, hepe ng Pasay City Police ang mga naaresto na sina Mark Jefferson Tenorio, 27-anyos, ng Maya St., Rizal, Makati City at Sylvester Lazo, 25, ng Pembo, MaÂkati City.
Nabatid na nasita ang dalawa sa isang checkpoint sa may Taft Avenue, Pasay habang magkaÂangkas sa isang itim na Hondang motorsiklo na walang plaka. Nang isa ilalim sa inspekÂsyon, naÂdiskubre sa posesyon ng mga ito ng dalawang kaÂlibre .30 baril na puno ng bala. Nakuha rin sa da lawa ang isang floor plan ng isang bahay.
Nagtungo naman sa istasyon ng Pasay Police ang isang mag-asawa na humiling na huwag magpabanggit ng pangalan, at positibong itinuro ang dalawang suspek na siyang nakita umano nilang umaali-aligid sa kanilang bahay.
Nabatid rin na ang floor plan ng bahay na nakuha sa dalawa ay tumutugma sa bahay ng mag-asawa.
Sinabi ni Llorca na nahaharap rin sa kasong murder sa Makati City ang dalawang nadakip na suspek.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa OmÂnibus Election Code, illegal possession of firearms at ammunitions, at posibleng carnapping ang mga suspek kapag napatunayan na karnap ang motorsiklong kanilang minamaneho.