MANILA, Philippines - Isang hindi pa kilalang lalaki ang natagpuang binigti sa bubong ng Light Railway Transit (LRT) sa Paco, Maynila kahapon ng madaling-araw.
Inilarawan ang biktima na nasa edad 35-40, may tattoo ng mukha ng babae sa kanang dibdib at pangalang Diango Pedoy sa kaliwang dibdib.
Sa report ni Det. Jonathan Bautista ng MPD-Homicide Section, dakong alas-2 ng madaling-araw nang madiskubreng patay ang biktima sa bubong na sakop ng pasilidad ng LRTA 1 sa Pedro Gil Station, Paco, Maynila.
Nagsasagawa umano ng roving inspectÂion ang isang guwardiya ng LRTA nang mapansin nito ang nakabulagtang katawan ng isang lalaki sa bubong na sakop ng LRT dahilan kung kaya’t ipinagbigay-alam sa pulisya.
Hinala ng pulisya, bukod sa binigti ito ng sinturon, posible ring tinubo ang biktima kung saan narekober ang mga duguang PVC pipe. Wala namang makapagbigay ng impormasyon sa pagkamatay ng biktima na pinaniniwalaang dayo lamang sa lugar.