Caretaker utas sa kasamahan
MANILA, Philippines - Patay ang isang warehouse caretaker makaraang pagsaÂsaksakin ng kanyang kasamahan matapos magkakulitan habang nag-iinuman, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.
Nakilala ang biktima na si Allan Clemente, stay-in sa bodega sa Promax warehouse na nasa No. 2242-B F.B Harrison St., ng naturang lungsod.
Agad namang sumuko ang suspek na si Mario Espiritu, 45, warehouse houseman, at kasamahan ng nasawi.
Sa ulat ng Pasay Police, naganap ang krimen dakong- 1:25 ng madaling araw sa tapat ng barracks sa parking lot ng Promax warehouse.
Nabatid na unang nag-inuman ang biktima at suspek kasama pa ang ka-trabaho na si Ernie Nicolas, 37, nang magtalo ang mga ito dahil sa isang biro na hindi nagustuhan.
Dito iniwanan ni Ernie ang dalawa nang mag-umpisa nang magkainitan. Dinampot ng suspek ang patalim sa ibabaw ng kanilang mesa at paulit-ulit na inundayan ng saksak ang kainuman.
Agad naman sumuko ang suspek sa mga opisyal ng baÂrangay na nagdala sa kanya sa himpilan ng pulisya. Nahaharap ito ngayon sa kasong homicide.
- Latest