Deputy ng MPD-Station 6, inireklamo ng pananakit ng janitor

MANILA, Philippines - Isang opisyal ng Manila Police District-Station 6 ang  inireklamo ng physical injuries at threat ng  isang janitor ng mismong police station sa Sta. Ana, Maynila.

 Maghaharap ngayon sa MPD-Gas sina Chief Inspector Dondon Austria, Deputy Station Commander ng MPD-Station 6 (Sta Ana) at Michael Combes, 35, binata, janitor ng Course Multiplier sa MPD-Station 6 at residente ng 1664 Onyx St., San Andres Bukid, Manila .

 Sa report ng MPD-GAS dakong 2:15 ng madaling-araw nang naganap ang umano’y paninigaw na humantong umano sa pananakit at pananakot  ni Austria kay Combes sa loob mismo ng presinto ng MPD-Station 6 sa Sta. Ana, Maynila.

 Subalit  pinabulaanan naman ni  Austria ang  akusasyon ni Combes na sinaktan at tinakot niya ito bagamat sinabi nito na pinangaralan lamang niya ito.

 â€œWala, wala naman naganap na pananakit at pananakot. Pinagsabihan ko lamang kasi lumalaki na rin ang kanyang ulo” ayon kay Austria.

Show comments