Inuman sa loob ng headquarters: NBI agent binaril, sugatan sa NBI official
MANILA, Philippines - Sugatan ang isang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) makaraang mabaril ng isang opisyal sa ahensya matapos ang mainitang pagtatalo kamakalawa ng gabi sa loob mismo ng NBI headquarters sa Taft Ave., Ermita, Maynila.
Kinilala ang sugatang agent na si Joselito “Joey†Guillen, na isinugod sa Manila Doctors Hospital dahil sa tatlong tama ng bala ng baril, dalawa sa likod at isa sa kamay.
Ayon sa report ng Manila Police District Station 5, nasa NBI jail na rin ang nakabaril kay Guillen na si Atty. Nestor Pascual, naka-detail sa NBI National Capital Region.
Si Pascual ay nakaÂdetine na sa NBI jail at naÂhaÂharap sa kasong frustrated homicide.
Ayon sa ulat, nasa maÂbuting kalagayan at ligtas na sa kapahamakan si Guillen.
Batay sa report ng pulisya, pasado alas-9:00 ng gabi nang itawag sa kanila ng NBI ang nasabing insidente.
Nabatid na nagkaroon ng party at inuman sa mismong tanggapan ng NBI-NCR dahil sa isa sa mga tauhan dito ay nagdiriwang ng kaarawan.
Nabatid na naimbitahan din si Guillen na nakadestino sa ibang tanggapan.
Sa gitna ng inuman ay napag-usapan umano ang napipintong balasahan ng personnel kung saan nagkaroon ng ilang pagtatalo.
Napag-alaman na pinapayapa ni Guillen si Pascual nang biglang bunutin ng huli ang kanyang baril at pinaputok sa una.
Kaugnay nito, agad na ipinag-utos ni DOJ SecreÂtary Leila de Lima ang maÂsusing imbestigasyon, maÂging ang ginawang pag-iinuman sa loob ng tanggapan.
- Latest