MANILA, Philippines - Isang 9-anyos na grade 1 pupil ang nasawi makaraang mabagsakan ng bubong ng isang waiting shed habang nakikipaglaro sa kanyang mga kaklase sa Pasig City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Jessabelle Homerez, 9, grade 1 student, na residente ng Santan St., Ismar, Brgy. Kalawaan, Pasig City.
Nabatid mula kay SPO3 Roger Villanueva ng Pasig police, ganap na alas-5:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa river wall ng Brgy. Kalawaan sa lungsodÂ.
Ayon sa report nakikipaglaro ang biktima sa kanÂyang mga kaklase na kinilala lamang sa pangalang Ramon at Emalyn nang bumagsak ang bubong na may bakal ng waiting shed at nadaganan ang biktima.
Sinabi ni Brgy. Chairman Jimmy Lee, naisugod pa nila sa Pasig City General Hospital si Jessabelle pero agad din nalagutan ng hiÂninga.
Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO3 Villanueva, nabatid na noong nakalipas na buwan ay tinanggal ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang bubong ng waiting shed dahil itinaas ang pader o wall ng Pasig River.
Nang muli umanong ilagay ang bubong ay itinali lamang ng alambre na tiyempo namang bumigay nang ang mga bata ay naglalaro sa lugar.
Nagsasagawa pa ngaÂyon ng masusing imbesÂtigasyon ang pulisya upang maÂtukoy kung sino ang dapat managot sa pagkaÂmatay ng bata.