MANILA, Philippines - Nagawang makakuha ang Special Investigation Task Group Nicole ng search warrant sa lugar ng isa sa posibleng suspect na nakapatay kay Stephanie Nicole Ella noong Bagong Taon.
Ayon kay Task Group spokesman SuperintenÂdent Jackie Candelario, habang isinusulat ang balitang ito, kasalukuyan nang nasa lugar ang kanilang operaÂtiba at isinerve na ang search warrant maÂtapos aprubahan ng huwes ang kanilang apliÂkasyon kahapon ng umaga.
Sinabi naman ni Chief Inspector Ronald Perilla, ng Caloocan City police North Extension Office inÂvestigation chief na hanggang alas-4:10 ng hapon kahapon ang kanilang opeÂratiba ay nananatiling nasa lugar nina Nicole habang ginagalugad ang area. Hindi pa umano sila maÂaaring magbigay ng anumang impormasyon patungkol sa operasyon.
Ayon kay Candelario, ang bagong suspect na kanilang tinutunton ay lisensiyadong gun owner na ang bahay ay may 50-metro ang layo sa lugar na pinagbagsakan ni Nicole habang ito, ang kanyang ama at kapatid ay nanonood ng fireÂworks noong Bagong Taon.
Sa araw na ito nakatakÂdang dalhin ang labi ni Nicole sa Tala Elementary School at sa Lord’s Flock Sanctuary International ngayong a raw na ito para sa necrological services. Sa Sabado, ito ay ililipat na sa Norzagaray na doon na rin ito ihahatid sa kanyang huling hantungan.
Nais sana ng mga maÂgulang ni Nicole na mahuli na at mapanagot ang nakaÂbaril sa kanilang anak bago pa man sana ito ihatid sa kanyang huling hanÂtungan bukas.