MANILA, Philippines - Mahigit na P.5 milyon ang natangay sa isang negosyante ng dalawang lalaking magka-angkas sa isang motorsiklo, isa dito ay nakauniporme pa ng pulis sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Ito ang idinulog sa Manila Police District-Theft and Robbery Section ng biktimang si Gil Kingsu, 56, residente ng BaÂlut, Tondo at driver nitong si Rico Solmiron, 36, ng San Rafael, Navotas City.
Sa ulat ng MPD-TRS, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa North Bay Boulevard, Gagalangin, Tondo, Maynila.
Batay sa naging pahayag ng testigong si Kagawad Jerome Amper ng Barangay 148, Zone 13, District 2, bago naganap ang insidente ay nagsasagawa sila ng pagpapatrulya sa nasaÂbing lugar nang napuna nila ang nakatigil na isang SUV habang nakabuntot ang isang motorsiklo.
Nilapitan umano ni Amper at tanod nito ang motorsiklo at inaÂlam kung may problema subalit sinagot umano ng nakaÂsakay sa motorsiklo na “walaâ€.
Maging ang mga nakasakay sa nasabing SUV ay sinabi rin umanong “walang problema†nang tinanong ni Amper kung kaya umalis na sila sa lugar.
Gayunman, naghinala si Amper nang napansin nilang umalis na ang motorsiklo subalit naiwan pa rin ang SUV kaya biÂnalikan nila ito kung saan nalaman nila na hinoldap sila ng riding in tandem.
Sa reklamo ni Kingsu, kinuha ng mga suspect ang kulay brown niyang Gucci clutch bag na naglalaman ng P530,000 at isang cellphone.