MANILA, Philippines - Kalat na kalat na ngayon sa mga social networking site ang video ng isang sinaÂsabing professor ng isang kolehiyo sa Pasay City na huli ng camera na nananakit ng babae niyang estudyante.
Unang kumalat sa YouTube ang video ng isang matandang lalaki nakasuot ng rosas na long sleeved shirt nitong Enero 6 na i-pinost ni YouTube user “anname macayanâ€.
Sa naturang video, iniÂinspeksyon ng naturang lalaki na sinasabing propesor ng Montessori Profession College sa Pasay City nang bilutin niya ang mga papel at iniumang na ihahampas sa isang estudyante.
Lumabas ito ng kuwarto at kinompronta ang isang babae na nakasuot ng dilaw na blouse at biglang ibinalibag ang hawak na mga papel. Hindi pa nakuntento, itinulak at binatukan pa ng lalaki ang nakababatang babae na gumanti naman ng hampas sa braso ng sinasabing propesor.
Pumagitna naman at umawat ang ilang babaeng estudyante na nakasuot ng rosas na uniporme kaya umatras ang propesor. Ngunit humaÂbol pa ito ng amba ng suntok at binuhat ang isang monoblock na silya at akmang ihahagis sa kanyang biktima.
Habang sinusulat ito, umabot na sa 23,233 ang views ng naturang video habang nasa 3,907 na ang shares nito sa Facebook. Karamihan naman sa reaksyon ng mga social media users ay galit sa naturang propesor.
“Lot of cases can be used againts him, ipaglaban ninyo karapatan n’yo bilang student at bilang tao! Dalhin iyan sa CHED at sa Womens Desk,†ayon kay Allan Sampang.
Isang “Leslie Louise dela Cruz†na nagpakilalang mula sa National Youth Commission (NYC) ang nagkomento na rin sa naturang video at nag-alok ng kanilang tulong upang malinawan ang naturang video at maparusahan ang sinumang may pagkakasala.
Nanawagan naman ang iba pang internet users sa Department of Education at Commission on Higher Education (CHED) na umaksyon sa naturang insidente ng sinasabing pang-aabuso.