^

Metro

Kalat na sa Youtube: Propesor huli sa video na nananakit ng estudyante

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalat na kalat na ngayon sa mga social networking site ang video ng isang sina­sabing professor ng isang kolehiyo sa Pasay City na huli ng camera na nananakit ng babae niyang estudyante.

Unang kumalat sa YouTube ang video ng isang matandang lalaki nakasuot ng rosas na long sleeved shirt nitong Enero 6 na i-pinost ni YouTube user “anname macayan”. 

Sa naturang video, ini­inspeksyon ng naturang lalaki na sinasabing propesor ng Montessori Profession College sa Pasay City nang bilutin niya ang mga papel at iniumang na ihahampas sa isang estudyante.

Lumabas ito ng kuwarto at kinompronta ang isang babae na nakasuot ng dilaw na blouse at biglang ibinalibag ang hawak na mga papel.  Hindi pa nakuntento, itinulak at binatukan pa ng lalaki ang nakababatang babae na gumanti naman ng hampas sa braso ng sinasabing propesor.

Pumagitna naman at umawat ang ilang babaeng estudyante na nakasuot ng rosas na uniporme kaya umatras ang propesor.  Ngunit huma­bol pa ito ng amba ng suntok at binuhat ang isang monoblock na silya at akmang ihahagis sa kanyang biktima.

Habang sinusulat ito, umabot­ na sa 23,233 ang views ng naturang video habang nasa 3,907 na ang shares nito sa Facebook.  Karamihan naman sa reaksyon ng mga social media users ay galit sa naturang propesor.

“Lot of cases can be used againts him, ipaglaban ninyo karapatan n’yo bilang student at bilang tao! Dalhin iyan sa CHED at sa Womens Desk,” ayon kay Allan Sampang.

Isang “Leslie Louise dela Cruz” na nagpakilalang mula sa National Youth Commission (NYC) ang nagkomento na rin sa naturang video at nag-alok ng kanilang tulong upang malinawan ang naturang video at maparusahan ang sinumang may pagkakasala.

Nanawagan naman ang iba pang internet users sa Department of Education at Commission on Higher Education (CHED) na umaksyon sa naturang insidente ng sinasabing pang-aabuso.

vuukle comment

ALLAN SAMPANG

DEPARTMENT OF EDUCATION

HIGHER EDUCATION

ISANG

LESLIE LOUISE

MONTESSORI PROFESSION COLLEGE

NATIONAL YOUTH COMMISSION

NATURANG

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with